Hustisyang Pilit: Amnestiyang Ginigipit

Malinaw na paglabag sa konstitusyon at may hangarin na tuluyang patahimikin ang oposisyon ang pagpapawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV sa pamamagitan ng Proklamasyon bilang 572, sa tulong ng kanyang mga kaalyado. Ngunit sa gitna ng patuloy pang umiinit na usapin, ano nga ba ang puno’t dulo ng lahat ng ito? Ano nga ba ang nag-udyok sa pangulo upang humantong sa ganitong hakbang? Kung babalikan, isa si Trillanes sa mga miyembro at tagapanguna ng Samahang Magdalo na nasa likod ng kudeta laban sa administrasyong Arroyo, kabilang rin siya sa lumusob sa Oakwood Premier noong 2003, at sa Manila Peninsula noong 2007 na naging dahilan kung bakit nasampahan ng kasong treason ang senador at mga kasamahan nito. Ngunit ng maupo si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, nag...